07:02
0
Sa pag simba ko ngayong umaga sa unang pagkakataon ay nakwento sa akin ng aking ate na nadidistract daw sila kahapon ng asawa nya sa mag jowang nasa harapan nila. Teen ager pa lang ang mag jowa kaya naman parang lantang gulay si babae kung maka akuyabit (paghawak o pagbitin sa braso) sa lalaki. 

Dahil doon ay naisip kong i-klasipika ang mga taong dumadalo ng simbang gabi. 

Simbang himas - unahin na natin itong mga mag jowa na parang nasa park kung makapag lambuchingan habang nasa misa. Aakbay ay si lalaki kay babae at hihimasin ni lalaki ang balikat ni babae. Aakuyabit si babae kay lalaki na may kasama pang pag dantay dantay ng ulo si babae sa balikat ni lalaki at vice versa. 

Simbang tulog - hindi rin mawawala ang mga parokyanong pilit ma gigising ng maaga at pupunta ng simbahan ngunit di kakayanin ang antok kaya't makakatulog habang nagho homily ang pari. Pinakamasaklap na siguro yung maghilik ka pa sa simbahan o kaya may TL (tulo laway) moment.

Simbang kain - sila naman yung mga nagsisimba para makakain pagkatapos. Ganyan din ako minsan. Well, masarap nga naman kumain pagkatapos sumimba. Lalo na sa probinsya namin kung saan patok ang goto at puto. Malamig kasi doon samin sa cavite kaya masarap kumain ng mainit na goto paguwi sa bahay. Ubusan din doon ng tindang goto at puto kaya bago pa lang sumimba ay nagpapa reserve na sa tindahan. 

Simbang birthday - ang mga taong sumimsimba lang dahil birthday nila. Dito ako kasali. Mula nung magtrabaho na ako ay hindi na ako nakakapagsimba ng syam na umaga ng simbang gabi. Mabuti na lang at nakakapag leave sa araw ng birthday kaya nakakapag simbang gabi.

Simbang tambay - kahit na medyo maluwag pa sa loob ng simbahan, sa labas parin sila pumupwesto. Siguro para hindi masyado madinig kapag nagkwentuhan sila habang nagmimisa.

Simbang turista - mga pers taym magsimba sa simbahang iyon. Kasama din dito ang mga hindi naman pers taym ngunit parang noon lang nakapunta at may pag picture pang nagaganap. Syempre para may proof nga naman na nag effort silang gumising ng maaga at sumimba para ma post sa kanilang mga social networking sites. Isama na din natin dito ang mga taong sa unang araw lang ng simbang gabi aatend, mga ningas kugon ba.

Simbang landi - mga abangers na gumagala ang mata sa loob ng simbahan para maghanap ng mga cute. Yung iba naman sa labasan nakapwesto para kapag uwian na ay kita nila lahat ng lalabas ng simbahan at makahanap ng prospect. Yung iba naman nagsimba para bumooking pagkatapos. Ayayay! 

Simbang hiling - mga masusugid na makumpleto ang syam na umaga upang matupad ang kanilang hiling sa pasko. Isang bes ko pa lang yata nagawa ito na maka kumpleto ng syam na umaga tapos nagwish ako para sa lola ko at sa tiya kong may sakit na sana gumaling na sila. Highschool yata ako noon. 

May nakaligtaan ba ako? Ikaw, sino ka sa kanila? 

0 nag-iwan ng bakas ng pagbasa: